Tuesday, September 14, 2010

Mga "Guitar Acoustic Songs" Para Mapalapit sa Sinisinta!

Sa napakatagal na mga panahong nagdaan, sadyang kayrami ring mga awiting nalikha at tinangkilik natin, hindi lang yung mga sariling atin kundi pati na rin sa mga banyaga. para ng mga bituin sa bilang ika nga.

Pero sadyang may mga awiting kapag narinig natin ay sadyang tumatagos ang epekto kapag narinig na ng minamahal. lalo na kung ang mga awiting ito'y tinugtog ng akustiko, yung gamit ba ng gitara.

Narito ang lima sa mga awiting, sa aking opinyon, ay maganda ang rehistro sa gitara at pangharana talaga.

1. More Than Words (Extreme)
       Sa aking palagay ay isa sa pinakamagandang kantang akustiko sa gitara. Maganda ang mensahe ng kanta, pati ang pagkakaayos ng awitin. Mapapa"Last Song Syndrome" ka sabi nga ng iba. Ito kasing kantang ito ay simple, madaling pag-aralan at higit sa lahat madaling sabayan. Tiyak akong kung subukan mo itong pag-aralang tugtugin ay dagdag pogi points ka na agad sa iyong nililigawan.

2. Harana (Parokya Ni Edgar)
     Anong kanta pa ba ang pangharana kundi ang harana ng PNE. "Strumminng" na malupet ito na sadyang magandang pakinggan. Mga bandang 90's ata ito pero hanggang ngayon ay mabisang mabisa pa ring pampa-ibig. Sa diskarte at tyempo ng kanta ay madali ring pag-aralan ang kantang ito.

3. Makapiling ka (Spongecola)
    Mga Spongcola fans, hindi na siguro kagulat gulat na isa sa mga paborito kong kantang akustiko ay sa kanila. Sadyang henyo lang ang nasa likod ng gumagawa ng mga kanta nila kaya't bawat kanata ay espesyal at patok sa masa. Madaling tugtugin at masarap awitin pag may mga ka-jamming. Isa sa mga "the best" na kanta ng Spongecola.

4. Collide (Howie Day)
     Isa pa rin sa mga astig na "acoustic songs", madaling tugtugin gamit lang ang "4-chord pattern". Maganda rin ang mensahe ng kanta, may maganda ring tyempo at talagang astig pakinggan.

5. With A Smile (Eraserheads/Southborder)
    Kasabay ng magaling na kakanta o bokalista at magaling na gitarista, isa pa rin ito sa mga simple ngunit magandang kantang pwedeng tugtugin sa gitara. Madali ring pag-aralan, basta matiyaga lang. Tiyak na mapapangiti ang sinumang tutugtugan nito.


      Karaniwang makikita ang tablature ng mga ito sa Internet, sa akin, dun ako naghahanap sa ultimate-guitar.com. Basta may interes lang kayong tumugtog ng gitara, tiyaga-tiyaga lang at pasasaan ba't gagaling din.
Good luck sa inyo mga tol at sana nakatulong ako sa inyo! God Bless.